PLACES: ANG CLAVERIA, MISAMIS ORIENTAL
Dahil sa umuunlad nitong sektor ng agrikultura, hindi pa natutuklasang mga destinasyon sa turismo, at pag-unlad ng mga negosyo na may iba't ibang stopover coffee shop at restaurant, ang Claveria ay itinuturing na isang natutulog na higante ng Misamis Oriental. Subalit, hinihikayat ka ni Claveria na maglibot at tamasin ang malalawak, natural na kagubatan na natatakpan ng mga puno at halaman.
Nakakakalma ang pagbisita sa mga bundok. Dahil sa kalmado at tahimik na panahon na palagi mong mararanasan ang malamig at nakakapreskong hangin at makikita ang hindi kapani-paniwalang fogs at ang nakakaakit na tanawin. Kaya, huwag kalimutang magdala ng iyong sariling jacket!
Maraming kilalang lokasyon sa Claveria, isa sa mga ito ay pinangalanang View Deck na naghahain ng masasarap na lutuin at inumin. Dito sa Claveria, Misamis Oriental, maaari mong i-extend ang iyong pamamalagi upang mabawasan ang stress at bigyan ang iyong sarili ng oras na makapagpahinga. And Don Narciso ay isa rin itong stopover coffee shop na may mga masarap na kape, kakanin at iba pang mga pagkain kasabay sa pagtingin mga view na nakakaakit at nakakamanghang tanawin. Bukod pa rito, ang Claveria ay may Lokal na Kapehan at Bulalohan, kung saan maaari kang huminto para sa mainit, bagong timplang kape o sabaw na sumasabay sa malamig na panahon.
Kung mayroon kang sariling sasakyan, ang paglalakbay sa Claveria ay magiging mas simple. Gayunpaman, para mas madali para sa amin na makarating doon, pinili naming maglakbay doon sakay ng mga personal namin na motorsiklo upang mas ma-enjoy ang paligid, at kung susubukan mo, maaari ka pa ring magrenta ng pribadong sasakyan para sa iyong buong pamilya at mga kaibigan at masisiguro ko talaga na kapag dumating kana sa Claveria ay hindi ka magsisisi dahil tinatawag din nila itong little Baguio City. Kaya kung may gusto kang lugar na puntahan kaso malayo at walang masyadong budget at gusto mo lang makapagpahinga at mawala ang tensyon sa trabaho, sa paaralan, at iba pang bagay, ang kailangan mo ay ang Claveria, Misamis Oriental.
Comments
Post a Comment